for just 1 text, you can help :)

May 23rd, 2009  Tagged

narinig nyo na ba yung

Audition Celebrity Dance Battle on GMA-7’s S.O.P.

kung hindi nyo narinig. siguro nababasa nyo. ngaun din :D
Audition Celebrity Dance Battle is a TV dance contest based on the online dance game, Audition Dance Battle.

It is set to launch on May 17 on GMA-7’s S.O.P. Stars who were chosen compete in the event include Mark Herras, Chynna Ortaleza,
Rainier Castillo, Ryza Cenon, JC Tiuseco, Yasmien Kurdi, Vaness Del Moral and Dominic Roco.Scores will be based on the judges’ and SMS votes. The winning pair will receive 100,000 pesos, half of which will go to X-Play’s charity partner, IP Foundation.
naka BOLD yung name ni Rainier at Ryza dahil dito magsisimula ang kwento ko…

sya ang tito ko. his name is Ricardo Acabado 49 year old.
june 17, 2003 naputol ang kanang binti nya dahil sa sakit na diabetes na nagsimula noong 2000
nahirapan na imaintain ang gamot nya, wala rin kasi permanente trabaho, kaya lumubha ang sakit nya.

September 2008, naconfine sya National Kidney Institute ng matagal at na diagnose na may sakit sya sa Kidney
peritoneal dialysis ang ginagawa sa kanya, 4times a day at sa bahay nalamang ito ginagawa dahil mas malaki ang gagastusin kung sa hospital pa.

last March, naputol naman ang kaliwa nyang binti dahil sa matindi impeksyon.

hindi ako eksperto sa mga medical terms kaya hindi ko rin maipaliwanag.

isang kaibigan ng tita ko ang nag recomenda sa kanila sa GMA SOP para maisali sa pa contest nila.
hindi mismo tito ko ang nakapunta sa SOP para mapakita ang kalagayan nya.
dahil hindi narin kaya ng katawan nya ang mahabang byahe.

at dahil dyan, kaylangan ko ng tulong nyo.
2.50php lang naman po ang mababawas sa load nyo at ayos na :) malaking tulong po ang bawat text.

text format

just type

SOPDANCE 2

and send to 4627

tenx a lot!

i want to minimize my photos here

December 3rd, 2008  Tagged

but i cant haha!

idk why err.

siguro kasee, alam ko tinitignan to ng mga klasmyts and friends ko. kaya hindi ko madelete haha!

biruin mo un. nasa comlab kami kahapon.

sabi ko

“na upload ko na ung picture!”

anak ng, tatlo sila puro profile ko ung naka open haha

 

btw. i have new pics there. edited. xD

be careful! on http://holidayfreebies.fileave.com/

November 25th, 2008  Tagged

naranasan ko nadin to.

at ang masasabi ko lang nakakainis to

 

so eto lang payo ko sa inyo ^^

switch Approve comments automatically to never.

kasi ganto yan. ung naranasan ko

buti nlng naka NEVER nako.

tas nag approve ako ng isang comment

then inopen ko na profile ko

at hulala bumungad ang

http://holidayfreebies.fileave.com/

kindda annoying talaga.

kapag naranasan nyo to, eto pwede nyo gawin.

1. on your Account Settings, gawin nyo YES ung Safe mode

    go to your profile na, makikita nyo plain account nyo. kasi nga naka safemode

den check nyo ung mga comments, may makikita kayo parang ganto

There are as many nights as days, and the one is just as long as the other in the course of a year. Even a happy life cannot be without a measure of darkness, and the word HAPPY would lose its meaning if it were not balanced by sadness. Thanks for being a friend!”>http://freegadgets.fileave.com/redirect.js”>>  

i delete nyo ung ganyang comment

then i NO nyo na ule ung SAFE MODE.

tapos kung ganon padin. try nyo naman baguhin ung css or js na meron kaso sa about me or who i want to meet.

burahin nyo kapag naka fileleave din ung andun

 

den check nyo uli fs nyo

 

pag ganon padin

 

ibalibag nyo na pc nyo :))

new layout. and i lab it! :)

November 4th, 2008  Tagged

kahit hindi naman talaga ko ang gumawa

i lab it uber hehe

 

nagsawa nadin siguro ko sa hides, ung tipong ang konti ng nakikita

 

kaya naghanap ako ng ganto.

 

hindi ako talaga magaling gumawa ng layout

 

wala ko pasenysa. haha tamad ako haha.

 

 

*nga pala, nakasama daw ako sa popular people sa fs.

pero wala ko ibidinsya

huhu

 

wala PS sinabi lang ng friend ko huhu

pers tym sa BEACH!!

May 20th, 2008

April 25, binitbit ako ng mama ko papunta BATAAN, muntik na kami maiwan ng mga CO-teachers nya, panu ba naman kasi 3am usapan, gumising ng 2:30am, hanep!

pero hindi humadlang ang pagkakataon, nakasama parin kami =]

gamit ang bus ni vice mayor na sira ang aircon pero hindi gaano nahalata dahil bukas yung ibang mga bintana ay nilakbay namin ang kahabaan nga EDSA haha! jux!

bulacan-pampanga_______-bataan

hindi ko alam ang pagkakasunod2 ng lugar ee hihi!

at dahil 1st time ko makakita ng beach at makaapak sa buhangin na lumulubog ang paa ko pag naglalakad e super excited ako. niyaya ko agad mama ko na magbabad, kaso sa ilang kadahilanan e tinggihan nya alok ko, buti nalang andun yung anak ng CO-teacher ng mama ko na may 7yr old ata, na gusto na din magtampisaw!

ayos ang love story namin, 10 years gap XD

ang dami kong gusto kunan pero hindi ko magawang kunan, HUHU!

pano kasi anlabo sa cam ng cp ko, tapos ang onti lang ng memory, huhu.pero naisip kong, makuhanan ko man o hindi yung magagandang tanawin nakikita ko, never ko naman yon makakalimutan ee, kahit siguro 80yr old na ko!haha!

noon ko nalaman ang ilang mga bagay2:

maalat pala talaga ang tubig dagat

mahirap maglakad ng nakatsinelas sa buhangin

nakakalutang ako sa dagat, bagay na di ko magawa sa swimming pool

hindi lahat ng dagat ay may isda (kala ko kasi lahat meron e?hehe)

may kung anu2 ang kakagat sa skin mo, tapos mangangati ka aww!

hindi madali gumawa ng sand castle

mahirap humanap ng pogi sa beach LOL!

at ang pinakahuli, uuwi kang negra =]

katotohanan at kalugkutan

April 3rd, 2008

naiiyak ako habang ginagawa ko tong blog na to, iniisip ko na kung hindi ko inamin kung ano ung past ko, hindi sana magkakaganto..

nagsisisi ako na mali ang desisyon ko na sabihin ang totoo sa kanya,

bakit ganon?kung kelan lang gusto mo na sabihin sa isang tao saka ka makakaramdam ng kalungkutan imbes na saya..

nakakalungkot =[

ilan ba ang puso mo?

February 26th, 2008

kanina lang habang nagdidiscuss ang prof.ko, nakakwentuhan ko si (itago na lang natin sya sa pangalan na.. ) Brenda, una puro lokohan lang ang kwentuhan, kamustahan sa buhay-buhay, kamusta na daw ba ang tiyan ko? pumapadyak na daw ba ung baby, haha

pero sa hindi ko malamang dahilan, at lagi-laging nangyayari, ang kwentuhan ay madalas nauuwi sa salitang LOVE. ganito ang pag-uusap namin, magbasa ka na lang dyan at isipin mo isa ka sa nakakarinig ng kwentuhan namin

Brenda: my tanong ako Joyce

Joyce: ano un?

Brenda: paano kung pinapili ka?

Joyce: saan?

Brenda: kung ung taong mahal mo pero hindi ka mahal, o ung taong mahal ka pero di mo mahal, o ung taong mahal ka pero di mo mahal pero mayaman?

Joyce: letter c!

Brenda: hahaha! basta mayaman e, anu nga?

Joyce: dun na lang ako sa mahal ako pero di ko mahal

Brenda: bakit doon?

Joyce: e paano mo pipiliin ang taong di ka mahal? e di parang pinili mo na din ang maging single!hahaha

Brenda: pero kasi ung una, ung mahal ko pero hindi ako ganoon kamahal

Joyce: pakxet ilan ba puso mo?haha dapat mamili ka lang ng isa. isa lang, kung hindi mo kaya mamili, hintayin mo nalang si KARMA!

Brenda: sa akin mo kasi pinasa karma mo e!

Joyce: pamana ko yan sayo. tignan mo ko isa nalang jowa ko. mas masaya.

Brenda: haayy..

isa ang puso natin, at hindi nito kaya magokupa ng dalawang tao na sasabihin nating mahal natin. naalala ko ung isang homilya ng Pari na di ko makalimutan. kadalasan daw, naghahanap ng kabit ang isang tao kapag nakukulangan sya sa partner nya ngayon malamang para sa kanya 70% lang ung mga katangian na andun sa partner nya kaya hinahanap nya ung 30%. ang tanong, ipagpapalit mo ba ung 70% sa 30%?

madami temptation sa paligid. kung hindi mo kayang labanan yon, ikaw ang talo. pero sa bawat pagkakamali mo, may isang tao na andyan parin sa tabi mo at hindi ka iiwan. swerte ka kung makakatagpo ka ng isang taong yayakapin ka padin pagkatapos ng lahat ng kamalian na ginawa mo sa kanya. Hindi martir ang tingin ko sa taong kaya parin na bigyan ng pagpapatawad ang nakasakit sa kanila. iyon lang ang mga tao na masasabing kayang ibigay muli ang tiwala nila sa IKALAWANG PAGKAKATAON. tama ikalawa lamang. hindi ikatlo o ika-apat o sa mga susunod pa.

mahirap magmahal ng dalawa o higit pa. o sabihin na natin na mahirap makipaglaro sa marami kung iisa ka lamang. okey lang kung ayaw mo magseryoso sa pag-ibig, pero hindi ibig sabihin nito ay maglalaro ka hanggang kaylan mo gustuhin..

super basic CSS tutorial UPDATED

February 22nd, 2008

sa dami ng nagtatanong sa akin (mga lima sila) kung paano pagagandahin ang profile nila, eto na.. eto na wee!

madalas hindi ako sumasagot sa mga tanong, dahil ang hirap magexplain!kaya ito, lahat ng nalalaman ko, icocompile ko na. padadaliin ko lang ang explanation, kaya sana maintindihan nyo =]

STEPS:

a. 1st gawa kayo ng account sa RIPWAY

b. 2nd go to this link CLICK HERE

- copy nyo lang lahat ng CODES na nasa 1st box, paste nyo sa NOTEPAD

- pag nasa NOTEPAD na lahat ng codes, magsisimula na kayo magedit. for example:

/* GLOBAL FONTS, PROFILE TEXT AND CONTENTS */
body, td, tr, div, p {
  color: #HEX VALUE;
  font: ‘10 to 16′px ‘Verdana, Arial, Comic Sans MS, etc…’;
  text-align: center;
}

-i-edit nyo dito ung color and font, at ganto ang kalalabasan

/* GLOBAL FONTS, PROFILE TEXT AND CONTENTS */
body, td, tr, div, p {
  color: #FF00FF;
  font: 12px ‘Verdana’;
  text-align: center;
}

-kayo ang bahala sa HEX COLOR, FONT SIZE etc.

c. for HEX COLOR, CLICK HERE

another example:

/* PAGE BACKGROUND */
body {
  background-image: url(YOUR IMAGE URL HERE);
  background-attachment: fixed;
  background-position: center;
  background-repeat: no-repeat;
  background-color: transparent;
  scrollbar-face-color: #HEX VALUE; scrollbar-highlight-color: #HEX VALUE; scrollbar-shadow-color: #HEX VALUE; scrollbar-3dlight-color: #HEX VALUE; scrollbar-arrow-color: #HEX VALUE; scrollbar-track-color: #HEX VALUE; scrollbar-darkshadow-color: #HEX VALUE;
  cursor: url("YOUR CURSOR URL HERE THAT ENDS WITH A .ani OR .cur FORMAT"),default;
}

*explanation:

-YOUR IMAGE URL HERE- dito nyo i-cocopy ung DIRECT LINK ng images, background, etc.. You can use PHOTOBUCKET (if my photobucket account na kayo) or IMAGESHACK.US (no need to register)

-for SCROLLBAR? CLICK HERE

-for CURSOR? CLICK HERE (yan lang alam kong site pag-dating sa cursor! =]

d. Hindi nyo kaylangan tapusin lahat ng pag-eedit, dahil mas maganda na habang nag-eedit kayo, nakikita nyo ung pagbabago sa profile nyo. (ganon kasi ginagawa ko).

e. lahat ng CODE na nasa NOTEPAD, i-COPY nyo, den punta na kayo ulit sa RIPWAY. go to MY FILES, den CREATE TEXT FILE (nasa right side). For the FILENAME, dapat ganito, Title.css (kayo bahala kung ano title gusto nyo, just dont forget to put .css ok?) den sa ibaba ng FILENAME don nyo i-PASTE yung code na galing sa notepad. den SAVE!

f. after nyo isave ung file, lalabas na ung ginawa nyo like dis

Hh_1

copy nyo ung DIRECT LINK and go to this link CLICK HERE, then PASTE it into your MEDIA BOX.

g. it is more advisable if walang nakalagay sa Customize CSS box nyo (kung hindi nyo madelete ung code na nasa Customize CSS box nyo, ganto lang, i-highlight mo lang, den delete mo, and from ur keyboard just press the spacebar =] den save!

h. not satisfy? punta lang uli kayo sa RIPWAY (wag kayong magsasawa =p) den i-EDIT TEXT nyo lang ung gusto nyo baguhin at ung mga hindi nyo natapos i-EDIT save again. then copy ulet yung DIRECT LINK then generate again here CLICK HERE

** want to HIDE some parts on your profile like group box, fan of etc. go to this link HIDE CODES

  • be patient. (buti nga may instruction na e)
  • be creative. (wag matakot sa mga code, hindi yan nangangain hak)
  • think before you choose. (lalo na sa HEX COLOR masakit sa mata ang super liwanag, haha)
  • bumalik sa pinang-galingan (mag tenkyu naman kayo sakin!haha! kahit comment lang!hak)

oxa! =]

(tong blog na to para kay JM and Jaycel: mga klasmeyt ko na wula sawa nagtatanong sakin bout sa layout hak.)

if you want a super easy way PUNTA KAYO DITO

at pwede rin dito CLICK HERE

credit: friendstertalk.com

QUANTITY OVER QUALITY

February 21st, 2008

kung gusto mong mag-aral ng libre, sa public school ka pumasok.

libre ang pag-aaral sa public schools, mula elementary hanggang high school. wala kang dapat problemahin sa matrikula, kasi pag sa public ka, gobyerno ang nagpapa-aral sayo. Ayos dahil hindi na masyasdo malaki ang gagastusin sayo ng magulang mo, baon mo na lang at mga dagdag pangangailangan.

Isa ako sa produkto ng pampublikong paaralan. Mula elementary hanggang high school. Maswerte ko dahil lagi ako napupunta sa top section, kapag doon kasi, limitado lang ang bilang ng mga mag-aaral, pero pag sa iba, hindi!

Nung nasa elementarya ko, hindi problema ang bilang ng estudyante. Kasi bawat baranggay may elementary schools. Pero nung nag-hayskul na ko, doon ko nakita ang malaking problema.

umaabot sa halos 100 ang bilang ng estudyante sa isang section. at tulad ko, swerte ka pag nasa 1st section ka. pero ang 100 na yon, pwedeng maging 75 na lang pagdatig ng buwan ng marso. madami ang kusang umaalis dahil hindi na kinaya, meron din na sa sobrang hirap sa buhay kaya pinili nalang ang mag-drop.

hindi rin maganda ang tingin ng ibang tao pag sa public ka galing, dahil nagiging bagsakan ito ng mga na-kikick out o mga bagsak sa ibang school, pag sa public kasi, hindi dapat tanggihan ang bata, tanggap lang ng tanggap!

Natutulala ang iba kong mga kaklase sa kolehiyo ngayon pag nakikita nila ung mga natabi kong class picture. Bakit daw ang dami? Paano daw nagkakasya sa room yon? Kilala ko daw ba lahat yon? Madami tanong, nakakatuwang sagutin.

-Madami kami kasi madami ang hindi kayang mag-aral sa private school

-Nagkakasya kami, dahil gusto namin magkasya, pag buwan ng June, dapat maaga kang papasok dahil kung late ka, hahanap ka ng makakndungan

-Kilala ko silang lahat, pero hindi biglaan, merong pa nga kalahating taon na ng school year saka ko malalaman na sya pala si …

Stu

pero hindi lamang ang bilang ng mga estudyante ang pinaka problema, nakakalungkot isipin na hindi na napagtutuunan ng pansin ang kalidad ng edukasyon, mas mahalaga pa ang dami ng mga estudyante na magtatapos kahit pasang-awa.

Kaya ang resulta, tumutungtong sa kolehiyo ang isang tao kahit kulang ang kaalaman nya, kaya kung sinasabi ng iba (lalo na ng mga nasa pamahalaan) na tumataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas… wag kayo maniwala don, etchos lang yon!

@photo from: http://www.flickr.com/photos/suplada/2065601832/

*ang mga nasabi ko rito ay mismong karanasan ko, hindi ko nilalahat na ganito ang sitwasyon sa lahat ng mga public schools, paglilinaw lamang =]

BASURA BASURA

February 19th, 2008

hindi lingid sa kaalaman ng mga tiga MEYCAUAYAN ang problema sa BASURA

Yee002_1

at sa problema ito, isa ako, pamilya ko, at mga kapitbahay kong may pakiramdam ang naaapektuhan!

Sa twing my nakikita ko nagtatapon ng BASURA sa my harapan namin, gusto ko magtinda ng malulutong na MURA grr!

iba-iba ng style ang mga nagtatapon:

-habang nasa loob sila ng tricycle, sasaktuhan nila na tumapan sa sinisigaan na basura at parang basketball.. ititira nila ang plastic bag!

-nakabisikleta si manong, pero sa kanan kamay nya, nakasabit ang isa ulit na plastic bag, at ayon itatapon nya at ihaharurot na ang bisikleta nya para kunwari ndi sya ang nagtapon..

-merong iba na sadyang pasimple pa, habang naglalakad, titingin pa sa paligid, at sisiguraduhin walang nakatingin, pag clear na ang paligid, ayon TAPON ulit!

-pero ang malala, may sadyang makakapal ang mukha, may dala pang sidecar na may sako na nakasakay tapos buong pwersa itatapon ang sako na yon sa lugar na akala nila BASURAHAN ng BAYAN!!

tulad ng sinabi ko, gusto kong mamura, gusto ko sila sigawan, pero wala ko magagawa, hindi kayang kontrolin ng pagsigaw at pagmumura ko ang mga taong wala ng disiplina

Yee003 HINDI BASURAHAN ang lugar namin, daanan sya, BANCAL patungo BANGA, yon ang tinatawag na shortcut, sementado lang ang daanan tapos puro bukid na, kung dadaan ka doon, makikita mo harapan ng bahay namin, at ang mga nilalangaw na basura swerte ka pa kung dadaan kang walang usok.

ang sabi ko nga sa nanay ko, gusto ko maglagay ng BANNER sa may harapan namin e na nagsasabi "MAAWA KAYO SA NAKATIRA DITO, HINDI ITO BASURAHAN" pero tinawanan lang ako ng nanay ko, wa epek daw yon dahil kung ung "bawal magtapon ng basura dito, multa 1000" e hindi pinapansin, un pa kayang gagawin kong banner.

kaya tiis nalang DAW, susme hanggang kaylan ako (kami) magtitiis? pag may sakit na kami dahil sa kawalang disiplina ng mga tao? OMG!

*PHOTO: yan ang eksatong kalagayan ng lugar namin ngayon.